Sunday, 31 July 2016

Filipino: Wika ng Karunungan






     Ano nga ba ang karunungan? Para sa amin ang karunungan ang siyang magpapaunlad sa isang tao ngunit di namin mapag-alam kung bakit karamihan sa mga taong umuunlad ay para bang nakalimot na sa sariling wika? Ang iba'y nag-iingles-inglesan para sabihing matalino, pag sinabi bang wikang Filipino wala na silang kinalaman? 
     
      Sabi nga sa tula, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda". Ibig sabihi'y wala kang kwenta kung hindi mo mamahalin ang iyong wika. Sapagkat wala ka pa sa mundong ito'y iyon na ang ginagamit para makipag-ugnayan, makisama, makipaghalubilo at makipagtulungan sa kapwa. Tumatalakay ito sa pagiging Pilipino, ang pagpapalaganap ng karunungan at mga pananaliksik. Ito rin ang pinagmulan ng lahat, tamis nang pagmamahalan, hinagpis ng nakaraan, kagalakan ng kinabukasan. Ito rin ang naging inspirasyon ng mga ninuno at bayani sa paglaban para sa ating kalayaan dahil wika'y nagsisimbolo sa isang bansa. Ito'y biyayang natanggap mula sa Maykapal na ating daan sa pakikipagkapwa at pakikipag-ugnayan sa iba. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran, at paano kaya mapapalapit ang tao sa isa't-isa? Kahit saan man tayong lugar pumunta, wikang Filipino ang dapat ipagsigawan. Naging malaki ang papel ng wika sa ating mga Pilipino, may karanasan man o wala, nagkakaunawaan pa rin. Sa pammagitan nito, naipadarama ng wika ang kabutihan ng layunin, hinagpis ng kalungkutan, at lawak ng kagalakan. Kadalasan sa paniniwala ng tao, 'pag magaling kang mag-Ingles, ikaw ay matalino na napakamaling ideya. Sariling wika ay huwag kalimutan, mas mabuti pa rin yung taong may karunungan ngunit di kinakalimutan ang wikang kinagisnan. Namana natin sa ating mga ninuno ang mga tradisyon, kultura, at mga magagandang bagay na gawa ng kanilang mga malikhaing kamay, di nga natin yun kinakalimutan. Gayun rin dapat ang gawin sa wika, ipinagmamalaki, ipinagsisigawan, ipagkalat sa buong mundo. 

       Ang wikang Filipino, ang wika ng bansang Pilipinas! Wika ang pinakamahalagang sangkap, mapa-komunikasyon o pakikipag-talastasan. Wikang Filipino atin 'to! Nagsisimbolo sa ating pagka-Pilipino!

Mga miyembro ng unang pangkat:

- Amable, Trishia Gail
- Delfino, Allen Angel
- Andriano, Angel Joy
- Formentera, Hazel Kate
RaƱises, Heizel

- Aguilon, Jhonnel

- Pacana, Jannah

- Gonzales, Angel Pauline

- Mamalindas, Rojanna

- Baja, Ernesto